Some kind of twisted and wonderful, all at the same time. More often than not is held together by strong tape and glue, with glitter and shine written all over it.

Dala na rin ng paminsanang pagsipi ng mga paborito kong tula at quote mula sa mga kilalang manunulat, pangarap kong maging gaya nila na nakahanap na ng niche sa mundong ito — sa mga pahina ng libro, o kahit sa likuran ng bus na sinasakyan ko na biyaheng Sta Cruz – Pilar.

Gaya mo, nabubuo rin ako ng laman, dugo at kaunting pitak at latak. May kaunting dumi sa pag-iisip at puso, may kaunting kalinisan rin naman sa intensyon at damdamin. Kay karikitan sa pagsalin mula bilang isang komunikador patungo sa isang malay na manunulat. Sablay kung minsan, ngunit gayak at handa para sa anumang hamon.

Romantiko, raw. Hindi naman totoo. Nakakita lang ako ng pag-ibig sa dalawampu’t anim na simbolo, na pilit nagbabagong anyo upang maging makatuwiran at makatotohanan. At kapanipaniwala. Sa paghahalo-halo siya nabubuo. Parang ako.

Parang ito.