(Naisip kong isulat to dahil noong ako ang nangailangan, wala akong nahanap. At ayokong may makaranas pa ng ganoon. Kaya okay, let’s go, kahit wala akong mapapala!)
Ang lahat ng notes na to ay mula sa Filipino 11 Class (Sining ng Pakikipagtalastasan I) ni Sir J. Jacobo.
* * *
Tradisyunal
- May kaayusan/order ang kabuuan ng teksto: Kaayusan ng kalikasan, pamayanan, bayan, kahit ang mismong porma/istraktura ng akda
- May tugma at sukat
- Romantisismo: tagapagtaguyod ng ideyal; paglampas sa mga limitasyon
Moderno
- Philippines, 1920s hanggang 1970s: Mga pagbabagong historikal
- Nilisan na ng tao ang kalikasan; ang tao na ngayon ang manlilikha
- AKO – may isinisilang na bagong sarili
- “Hindi ko kailangan sundin ang kaayusan;” Punto: itanghal ang sarili
- Lungsod: konteksto ng modernidad, bagong kaharian ng tao
- Extreme iconoclasm: tinutuligsa ang isang awtoridad dahil hindi siya naniniwala rito
- Realismo: mahalaga ang perspektibo
Post Moderno
- Online, Age of the Internet
- “Ang siyudad ay hindi ko kaharian”
- The existence of a hyperreality to make up for the modern existence
- Everything becomes proximate to disposal because it is virtual (two worlds existing side by side)
- “Ang daigdig ay puro na lamang imahen;” Punto: Sensation
- Reality is now a questioned fiction
- Age of Spectatorship (each is a viewer of the other) and Age of Parody and Impersonation
- This parallel reality balances the literature
Post Kolonyal
- Pagbabago ng kamalayan
- Objective/Physical chance or influence
- “Nais kong maging tulad ng aking mananakop” :> ### :> “Iba pala ako. Sino ako?”
- Nagkakaroon ng impluwensya mula sa karanasan ng nakaraang mananakop