“Sa Trellis.” Romulo P. Baquiran Jr.
A good piece of literature to pick me up.
Sa restaurant na ito/ Sa ating pag-upo sa sangkalang mesa,/ Parang mumunting bituin ang mga ilaw sa paligid./ Nakikingi ako sa inyong kutsilyong dila/ Habang parang sibuyas nitong ginagayat/ Ang aking puso./ Umiiyak ako./ Pero paloob ang tulo ng aking luha/At ayaw lumabas ng aking hiyaw./ Kagilagilalas: una at tanging/ Pagkakamay natin ay pagpapaalam./ Hindi na kita kaibigan/ At natural lamang/Hindi rin kasintahan.